Sa araw ng pagdiriwang ng ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio For immediate release
November 30th, 2020
Nakikiisa ang Migrante Canada sa sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio, isang aktor, manunulat, at rebolusyonaryong nagtatag ng Katipunan na naglunsad ng digmang bayan laban sa kolonyal na Espanya. Pinatunayan ni Bonifacio na lehitimo at makatwiran ang pakikibaka ng maralitang Pilipino para sa tunay na kalayaan.
Kasabay ng ating paggunita at paghugot ng inspirasyon sa kanyang kadakilaan ay ang pagpapatuloy ng laban at adhika ng mga katipunero. Habang humahagupit ang pandemya at sunod-sunod na trahedya sa Pilipinas, kagyat na tinugunan ng mga makabagong Bonifacio ang mga pangangailangan ng mga nasalantang komunidad na nagtutulungang bumangon sa kabila ng kapabayaan at kainutilan ng rehimeng Duterte. Sa madaling salita, mahimbing ang tulog ng pasistang si Duterte sa kanyang kama, nagpapakasasa sa pagkanta ang kanyang tagapagsalita, at ligtas ang mga mandarambong sa PhilHealth at iba pang ahensya ng gobyerno.
Samantala, sa diwa ni Bonifacio na dakilang bayani ng anakpawis, ang mga miyembro ng Migrante Canada ay nangangalap ng mga donasyon at nakikipag-ugnayan sa mga progresibong grupo upang maghatid ng tulong at serbisyo sa ating mga naghihirap na mga kababayan. Isinasabuhay ng Migranteng Pilipino ang kadakilaan ni Bonifacio!
Hangga’t nananatili sa kapangyarihan ang pasistang rehimen ni Duterte at imperyalistang US, wala ring hinto ang pag-organisa at pagkilos ang Migranteng Pilipino saan mang panig ng mundo para sa panawagang trabaho, ayuda, serbisyo at ganap na pagpapatalsik sa rehimeng US-Duterte. Hindi tayo patatakot sa mga malisyosong paratang ng NTF-ELCAC at mga sinungaling na tulad ni Usec. Lorraine Badoy at Gen. Antonio Paralde. Gaya ni Bonifacio at kanyang mga kasama na hindi tayo nagpatinag sa mga paratang na pagiging bandido, bagkus ay patuloy ang ating kolektibong pakikibaka para sa pambansang soberanya at kalayaan, katarungan at demokrasya.
###
For reference: Maria Sol Pajadura Chairperson, Migrante Canada ----------------------------------------------------------------------------------
English Translation
On the 157 anniversary of the birth of Andres Bonifacio
For immediate release
November 30th, 2020
Migrante Canada joins the Filipino people in celebrating the 157th anniversary of the birth of Gat. Andres Bonifacio, an actor, writer, and revolutionary who founded the Katipunan, which launched a nationwide anti-colonial armed struggle against Spain. Bonifacio proved that the struggle of the Filipino masses for genuine freedom and peace are just and legitimate.
As we commemorate and take inspiration from his legacy, we also pursue his unfinished revolution and ideals. As the pandemic and natural calamities wreak havoc across the country, modern-day Bonifacios promptly respond to the needs of affected communities that support each other despite the criminal negligence and inutility of the Duterte regime.
Duterte sleeps soundly, his spokesperson sings giddily at a bar, and the thieves in PhilHealth and other government agencies roam scot-free. Meanwhile, having imbibed the spirit of Andres Bonifacio, working-class hero, members of Migrante Canada gather donations and coordinate with progressive organizations to provide aid and services to our struggling kababayan.
Migrant Filipinos personify the essence of Bonifacio’s greatness - that of being a servant of the people.
As long as the fascist Duterte regime and the imperialist US are in power, migrant Filipinos will continue organizing and mobilizing anywhere in the world and demand jobs, aid, services, and the ouster of the US-Duterte regime. We will not back down despite the malicious red-tagging by the NTF-LCAC and the liars Usec. Lorraine Badoy and Gen. Antonio Parlade. Like Bonifacio who refused to be cowed by accusations of banditry, we will also continue the collective struggle for national freedom and sovereignty, justice, and democracy.
###
For reference: Maria Sol Pajadura Chairperson, Migrante Canada
Comments